Democracy Watch: Huwag iboto ang mga kandidatong miyembro ng political dynasties

Hinihimok ng poll watchdog na Democracy Watch ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidato na miyembro ng political dynasties.

Ayon sa grupo, kapag nagkataon, puro pamilya na pangalan na lamang ang mabibigyan ng pagkakataong maluklok sa puwesto.

Bukod dito, lalo pang magiging makapangyarihan ang mga apelyido ng mga kasapi ng political dynasties.

Ayon sa Democracy Watch, hindi sapat na maging basehan ang pangalan ng isang kandidato para iboto sa May 13 elections.

Giit ng grupo, dapat suriin kung may kakayahan ang kandidato na maninilbihan sa bayan.

Read more...