Mga spa sa Las Piñas ni-raid dahil sa pagbibigay umano ng ‘extra service’

By Clarize Austria March 24, 2019 - 10:00 AM

Nagsagawa ng raid ang Las Piñas Police sa dalawang spa sa may Alabang-Zapote road dahil sa pagbibigay umano ng ‘extra service’ sa mga kostumer.

Ayon sa hepe ng kapulisan sa nasabing lungsod na si Police Col. Simnar Gran, sinugod nila ang dalawang spa matapos makakuha ng impormasyon na nag-aalok ito ng pakikipagtalik sa mga customer kapalit ang malaking halaga.

Arestado ang 14 na empleyado ng spa kung saan 7 ang lalaking masahista at 5 naman ang babae. Huli rin ang buntis na receiptionist na siyam na buang buntis.

Matindi namang itinaggi ng manager ng isang spa ang paratang na nagbibigay ng extra service,

Base naman sa inisyal na impormasyon, walang business permit at health certificate ang isang spa.
Mahaharap sa kasong prostitusyon ang dalawang establishimento.

TAGS: Raid, spa, walang health certificate, walang permit, Raid, spa, walang health certificate, walang permit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.