Isla Verde kailangan protektahan ayon sa mga siyentipiko

Panahon na para protektahan ang Verde Island Passage o VIP sa Mabini, Batangas ayon sa mga eksperto.

Sa pahayag ng senior curator ng California Academy Sciences na si Terrence Gosliner, marami na umanong resorts ang nakatayo sa VIP na nakasisira at nakauubos sa yaman ng isla.

Pinabulaan din ni Gosliner na kung hindi poprotektahan ang isla ay maaring sumailalim ito sa anim na buwang rehabilitasyon kagaya ng nangyari sa Boracay.

Ang VIP ay binubuo ng 1.14 milyon ektaryang kipot sa Mindoro-Calavite-Tablas triangle malapit sa Batangas, Marinduque, Romblon, at Occidental and Oriental Mindoro.

Dagdag ni Gosliner, mapangangalagaan ang isla kung gagawa ng mas maraming marine protected areas o MPAs, proper waste management, at sapat na edukasyon tungkol sa isla.

Nagbigay babala na rin ang mga eksperto na kung hindi pangangalagaan ang isla Verda ay masasayang ang mga yaman nito.

Read more...