Gretchen Barretto: ‘Kris is powerless’

By Len Montaño March 24, 2019 - 02:39 AM

Para kay Gretchen Barretto, wala ng kapangyarihan si Kris Aquino.

Sa isang panayam ay sinabi ni Gretchen na ngayon ay nagre-react na siya dahil sa mahabang panahon ay may power anya si Kris at ginagawa nito ang lahat na kanyang gusto.

Pahayag ito ni Barretto sa gitna ng kaso sa pagitan ni Kris at dati nitong business partner na si Nicko Falcis.

Ayon kay Gretchen, pinaninindigan niya kung ano ang tama.

Bagamat hindi pa personal na nakikita si Falcis ay naniniwala si Gretchen na may dahilan kung bakit ito nagre-react sa mga sinasabi ni Kris.

Paliwanag pa ni Gretchen, hindi siya nagsasalita dahil sa ginawa sa kanya dati ni Kris.

Noong Enero ay inakusahan ni Barretto si Aquino na ginagamit umano nito ang impluwensya para tulungan ang kaibigan na makalusot sa problema sa buwis, bagay na itinanggi ni Kris.

Kamakailan naman ay nagbigay ng thanksgiving party si Gretchen para kay Falcis matapos mabasura ang kasong qualified theft na isinampa laban sa kanya ni Kris.

Una rito ay ipinaaaresto na ng korte si Falcis pero naghain ang kampo nito ng mosyon para ito ay hindi matuloy.

TAGS: buwis, Gretchen Barretto, Kris Aquino, Nicko Falcis, powerless, qualified theft, tama, thanksgiving party, buwis, Gretchen Barretto, Kris Aquino, Nicko Falcis, powerless, qualified theft, tama, thanksgiving party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.