Pagasa: Umiwas sa matinding init mula 10 a.m. hanggang 3 p.m.

By Len Montaño March 24, 2019 - 02:17 AM

Hinimok ng Pagasa ang publiko na manatili sa bahay, gusali o lilim sa susunod na mga linggo ng dry season o panahon ng tag-init lalo na mula bago at makalipas ang tanghali.

Ayon kay Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario, magiging mas mainit sa mga susunod na araw dahil walang mag-aabsorb ng mating init ng araw.

Pinaka-mainit anya mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Ito anya ang peak hours kaya mas mabuti kung wala sa labas pero kung hindi maiwasan ay dapat na may panangga sa init ng araw.

Hinikayat din ng Pagasa ang mga mamamayan na manatiling hydrated para maiwasan ang heat stress lalo na ang heat stroke kung kailan matinding init ang naabsorb ng katawan.

Paliwanag ni Ordinario, kapag sobra ang init ng katawan ay hindi na ito kayang iregulate ng dugo.

Pwede anyang mahilo o pinakamalala ang heat stroke kaya kailangan ang palaging pag-inom ng tubig lalo na kung nasa labas.

TAGS: 10 a.m., 3 p.m., araw, dry season, heat stress, heat stroke, hydrated, lilim, Pagasa, peak hours, pinaka-mainit, weather forecaster Raymond Ordinario, 10 a.m., 3 p.m., araw, dry season, heat stress, heat stroke, hydrated, lilim, Pagasa, peak hours, pinaka-mainit, weather forecaster Raymond Ordinario

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.