Daang libong katao, nag-rally sa London para ihirit ang bagong Brexit referendum

Sky News photo

Nag-rally sa Central London ang daang libong katao na tutol sa pagkalas ng United Kingdom sa European Union (EU).

Nais ng mga nagprotesta na magkaroon ng bagong referendum sa gitna ng banta sa pwesto ni Prime Minister Theresa May.

Dala ng mga raliyista ang mga placard na may nakasulat na pinakaimainam pa rin na walang Brexit at nais nila ng People’s Vote.

Makalipas ang 3 taon ay hindi pa rin malinaw kung kailan o kung matutuloy ba ang Brexit.

Habang hati ang bansa at karamihan ng mga opisyal dahil sa Brexit, marami pa rin ang pabor na ito ang pinakamahalagang desisyon ng UK.

Matatandaan na sa referendum noong June 23, 2016, 17.4 million o 52 percent ang bumoto pabor sa pagkalas ng Great Britain sa EU habang 16.1 million o 48 percent ang nais na manatili sa EU.

Read more...