3 pulis na sangkot sa pagpatay sa anak ng Mayor ng Sariaya, kinasuhan

By Len Montaño March 24, 2019 - 12:00 AM

Kinasuhan ng murder ang tatlong pulis-Tayabas na sangkot sa pagkamatay ng dalawang lalaki kabilang ang anak ni Sariaya, Quezon Mayor Marcelo Gayeta.

Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng 2 counts ng murder sina Supt. Mark Joseph Laygo, PO2 Loland Sumalpong at PO1 Robert Legaspi.

Ang tatlong pulis ay idinawit sa pagpatay kina Christopher Manalo at Christian Gayeta.

Pinagbatayan ng kaso ang salaysay na kanilang ibinigay sa NBI-Quezon noong Lunes.

Sinasabing may kinalaman ang mga pulis sa pagpatay sa 2 biktima sa isang gasolinahan noong March 14.

Pinagsusumite ng prosekusyon ang tatlong pulis ng kanilang counter-affidavit sa loob ng 5 araw.

Una nang sumuko ang mga ito sa Calabarzon Police noong Biyernes.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Quezon Police Provincial Office ang tatlong pulis.

TAGS: 3 pulis Tayabas, Christian Gayeta, Counter affidavit, kinasuhan, Murder, NBI Quezon, pagpatay, PO1 Robert Legaspi, PO2 Loland Sumalpong, Quezon Police Provincial Office, Sariaya Mayor Marcelo Gayeta, Supt. Mark Joseph Laygo, 3 pulis Tayabas, Christian Gayeta, Counter affidavit, kinasuhan, Murder, NBI Quezon, pagpatay, PO1 Robert Legaspi, PO2 Loland Sumalpong, Quezon Police Provincial Office, Sariaya Mayor Marcelo Gayeta, Supt. Mark Joseph Laygo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.