Dagdag presyo sa petrolyo, muling ipapatupad sa Martes

By Len Montaño March 23, 2019 - 10:21 PM

Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa produktong petrolyo epektibo sa Martes, March 26.

Ito na ang ika-pitong sunod na linggo na magpapatupad ng oil price increase.

Narito ang tinatayang dagdag presyo:

  • P0.65-P0.75 kada litro sa gasolina
  • P0.05-P0.15 kada litro sa diesel
  • P0.05-P0.10 kada litro sa kerosene

Base sa pagtaya, gasolina na naman ang may pinakamataas na taas presyo gaya noong nakaraang linggo.

Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na maraming refinery sa Asya ang nagpatupad ng maintenance shutdown.

Ito umano ang dahilan ng pagtaas naman ng bentahan ng imported na langis sa world market.

TAGS: dagdag presyo, diesel, DOE, gasolina, ika-pitong sunod na linggo, imported na langis, kerosene, maintenance shutdown, March 26, Martes, oil price increase, produktong petrolyo, refinery, taas presyo, dagdag presyo, diesel, DOE, gasolina, ika-pitong sunod na linggo, imported na langis, kerosene, maintenance shutdown, March 26, Martes, oil price increase, produktong petrolyo, refinery, taas presyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.