Sinabi ni Atty. Ranier Madrid, abogado nina Duterte at Carpio na walang kasunduang nabuo sa pakikipagpulong ng kanilang kampo sa mga kinatawan ng senador noong March 22.
Nauna dito ay ipinag-utos ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ang mediation meeting sa magkabilang panig.
Sa kanyang manifestation, sinabi ni Madrid na hindi handang makipagkasundo kay Trillanes ang kanyang mga kliyente.
Noong January 15 ay naghain ng not guilty plea si Trillanes sa kasong libel na isinampa laban sa kanya.
Nag-ugat ang reklamo nang sabihin ng mambabatas na sangkot sa illegal drug trade ang dating vice mayor at nangikil rin umano ito sa ilang ride-sharing companies.