Paolo Duterte at Manasses Carpio tumangging makipag-areglo kay Trillanes

By Den Macaranas March 23, 2019 - 07:34 PM

Hindi pumayag sa out-of-court settlement ang kampo ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at presidential son-in-law Manasses Carpio kaugnay sa kasong libelo na isinampa nila kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi ni Atty. Ranier Madrid, abogado nina Duterte at Carpio na walang kasunduang nabuo sa pakikipagpulong ng kanilang kampo sa mga kinatawan ng senador noong March 22.

Nauna dito ay ipinag-utos ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ang mediation meeting sa magkabilang panig.

Sa kanyang manifestation, sinabi ni Madrid na hindi handang makipagkasundo kay Trillanes ang kanyang mga kliyente.

Noong January 15 ay naghain ng not guilty plea si Trillanes sa kasong libel na isinampa laban sa kanya.

Nag-ugat ang reklamo nang sabihin ng mambabatas na sangkot sa illegal drug trade ang dating vice mayor at nangikil rin umano ito sa ilang ride-sharing companies.

TAGS: Davao City, Libel, manasses carpio, mediation, paolo duterte, trillanes, Davao City, Libel, manasses carpio, mediation, paolo duterte, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.