Driver ng Grab na naging susi sa pakakabisto ng party drugs pinarangalan

By Den Macaranas March 23, 2019 - 06:50 PM

Inquirer file photo

Binigyan ng pagkilala ng Grab Philippines ang isa sa kanilang Grab express driver dahil naging susi ito para mahuli ang isang malaking party drugs haul sa Taguig City kamakailan.

Noong Lunes ay aabot sa P1.5 Million na halaga ng party drugs at shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang college students ng De La Salle University sa Maynila.

Sinabi ni Atty. Nicka Hosaka, Public Affairs Manager ng Grab Philippines, na nagduda na ang kanilang driver nang tumanggi ang mga suspek na buksan ang pakete na gustong ipadeliver sa kanya.

Dahil malakas ang kanyang hinala na may lamang kontrabando ang pakete na gusting ipahatid sa kanya sa Fort Bonifacio ay kaagad itong nagpunta sa mga otoridad imbes na dumiretso sa drop-off point.

Nang buksan ng mga natuhan ng Makati City PNP ay kanilang nakita na nanglalaman ito ng sankatutal na party drugs at shabu.

“Grab commends the vigilance of the Grab Express driver and his immediate decision to report his suspicions to the authorities,” ayon kay Hosaka.

Tiniyak rin ni Hosaka na well-trained ang kanilang mga driver-partners sa paghawak ng mga ganitong uri ng sitwasyon.

TAGS: De La Salle University, Grab Philippines, Makati, NCRPO, p[arty drugs, shabu, De La Salle University, Grab Philippines, Makati, NCRPO, p[arty drugs, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.