Final stronghold ng ISIS sa Syria nakuha na ng US-led forces

By Den Macaranas March 23, 2019 - 03:59 PM

AP

Bumagsak na ang huling kampo ng ISIS sa Syria.

Ito ang kinumpirma ng Syrian Democratic Forces (SDF) kasabay ng pagsasabing durog na ang caliphate na naunang idineklara sa nasabing bansa ng naturang teroristang grupo.

Sinabi sa pahayag ng Syrian Democratic Forces na nabawi na nila ang lungsod ng Baghouz sa Eastern Syria.

Ito ang itinuturing na last stronghold ng ISIS makaraan ang ilang araw ng bakbakan sa lugar.

Noong 2014 habang nasa preparasyon ng pagpaparami ang miyembro ng ISIS ay hawak nila ang bahaging iyun ng Syria hanggang sa bansang Iraq.

Ang coalition of forces na nagpatumba sa huling kampo ng ISIS sa lugar ay binubuo ng mga Kurdish at Arab forces maliban pa sa pwersa ng US, British at French special forces na tumulong rin sa isinagawang operasyon.

Sa nakalipas na mga linggo ay naging maigting ang airstrikes ng US-led coalition sa pamamagitan ng kanilang sunud-sunod na airstrikes na sinabayan naman ng ground operations ng Syrian Democratic Forces.

Aminado ang SDF na nahirapan silang pasukin ang Baghouz dahil sa paggamit ng ISIS ng mga human shields na binubuo ng ilang mga kababaihan at mga bata.

Noong 2014 ay sinabi ng United Nations na umaabot sa $1.4 Billion ang pondo ng ISIS mula sa iba’t ibang sources at ito ang kanilang ginagamit sa massive recruitment ng mga miyembro.

TAGS: baghouz, British, ISIS, syria, Syrian Democratic Forces, United Nations, US, baghouz, British, ISIS, syria, Syrian Democratic Forces, United Nations, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.