Sison: Sa susunod na gobyerno na lang kami makikipag-usap
Hindi na nagulat si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang peace talks sa komunistang grupo.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sison na sa simula pa lamang ay urong-sulong na ang pangulo sa kanyang mga desisyon.
Peke rin umanong maituturing ang localized peace talks na gusto ng pangulo.
Ito umano ay resulta ng mga tagasulsol ng pangulo sa loob ng Office of the Presidential Adviser for the Peace Process na ngayon ay binubuo na ng mga dating militar.
“Duterte is like an old broken record repeating ad nauseam his termination of the GRP-NDFP [Government of the Republic of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines] peace negotiations. As far as the NDFP is concerned, Duterte formally killed the peace negotiations on Nov. 23, 2017 with his Proclamation 360 terminating them,” ayon pa kay Sison.
Sa pagpasok ng 2019 ay magugunitang sinabi ni Sison na magiging prayoridad ng kanilang grupo ang pagpapabagsak sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
Kanina ay sinabi ng militar na nakahanda na rin silang arestuhin ang mga negosyador ng komunistang grupo kasunod ng pagpapawalang-bisa sa kanilang hawak na safe conduct passes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.