PDEA: Golden Triangle drug group nasa likod ng mga bagong shabu shipment

By Den Macaranas March 23, 2019 - 01:57 PM

Inquirer file photo

Ang Golden Triangle drug group ang nasa likod ng tangkang pagpapasok sa bansa ng halos ay 300 kilos ng shabu na nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila International Container Terminal (MICP) sa South Harbor.

Ito ay base sa mga packaging na ginamit sa nasabing mga iligal droga.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang nasabing grupo rin ang nasa likod ng P1.1 Billion na halaga ng shabu na nakumpiska sa Tanza sa Cavite kamakailan.

Ang Golden Triangle drug group rin ang ang may-ari ng P1 Billion na halaga ng shabu na narekober ng PDEA sa Ayalang, Muntinlupa City noong nakalipas na linggo.

Karaniwang inilalagay sa Chinese tea wrapper ang mga ipinupuslit na droga ng grupo para maipuslit sa kanilang target na lugar ayon sa pinuno ng PDEA.

Ang Golden Triangle drug group ay binubuo ng mga sindikato ng droga na nag-ooperate sa Thailand, Myanmar at Laos ayon pa kay Aquino.

Kagabi ay ipinakita ng PDEA sa media ang P1.8 Billion na halaga ng shabu na kanilang nasabat at naka-consign sa Wealth Lotus Empire Corporation.

Ipinasok ang nasabing kargamento sa Pilipinas mula sa Ho Chi Mihn City sa Vietnam.

TAGS: Aquino, golden triangle, laos, MICP, myanmar, PDEA, shabu, thailand, Aquino, golden triangle, laos, MICP, myanmar, PDEA, shabu, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.