Secretary ni Junjun Binay na binaril sa Makati namatay na

By Den Macaranas March 23, 2019 - 11:56 AM

Kinumpirma ni dating Makati City Mayor Junjun Binay na namatay na ang kanyang dating secretary na si Monaliza “Monette” Bernardo.

Si Bernardo ay magugunitang binaril sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Olympia sa Makati City Huwebes ng gabi.

Tinamaan ng bala sa kanyang tiyan at kamay ang biktima kung saan ay mabilis na tumakas ang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Kanina ay inihayag ni dating Vice President Jejomar Binay na magbibigay siya ng P1 Million sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay inihayag ng nakababatang Binay ang pakikiramay sa mga naiwan ni Bernardo.

Sinabi pa ni Binay na hindi lang kasama sa trabaho kundi isang kaibigan ang turing niya sa namatay na biktima na kakilala ng kanilang pamilya sa nakalipas na tatlong dekada.

TAGS: binay, election, Mayor, monette bernardo, olympia, binay, election, Mayor, monette bernardo, olympia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.