Kasong isinampa nina Del Rosario at Morales sa ICC mababalewala ayon sa Malacañang
Naniniwala ang Malacañang na sa basurahan pupulutin ang kasong isinamapa ng mga dating opisyal ng pamahalaan laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC).
Ito ay may kaugnayan sa crimes against humanity na isinampang reklamo nina dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Bukod kay Xi ay kasama rin sa kaso sina Foreign Minister Wang Yi at Chinese Ambassador to Philippines Zhao Jianhua.
Nag-ugat ang reklamo kaugnay sa umano’y pananakop ng China sa West China Sea na nagresulta sa kawalan ng trabaho ng ilang mangingisdang Pinoy maliban pa sa pagkasira ng natural na yaman ng dagat sa lugar.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na paanong uusad ang kaso laban sa pangulo ng China samantalang hindi naman sakop ng hurisdiksyon ng ICC ang nasabing bansa.
Gayunman ay Malaya naman ang nasabing mga dating opisyal ng Aquino administration na magsampa ng reklamo.
Nauna na ring sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang epekto sa relasyon ng China at Pilipinas ang nasabing kaso sa ICC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.