Mga pulis at guro na gagamitin sa eleksyon isinalang sa training

Inquirer file photo

Nagsanay ang nasa 50 pulis bilang electoral board members sa darating na midterm elections.

Ayon kay election officer Stephen Roy Cañete ang nasabing mga pulis ang magsisilbing electoral board sa Zamboanga City.

Nakapaloob sa pagsasanay ay kung paano mag-operate ng voter verification registration system (VRVS) machine,  isang device laban sa flying voters.

Ang Zamboanga City ay isa mga napili bilang pilot testing areas ng VRVS na gumagamit ng finger scan para maberipika ang pagkakakilanlan ng isang botante.

May mga guro din na sumailalim sa training para sa VRVS.

Nasa 35,000 units ng VRVS ang susubukan ng Comelec sa halalan sa Mayo.

Sa field tests ng nasabing makina na ginawa sa ilang mga lugar gaya sa Maynila, Quezon City, Cavite, Pangasinan, Cebu, Negros Occidental, Davao del Sur at Zamboanga del Sur wala namang nakitang problema ang Comelec.

Read more...