Reklamo ng isang OFW na ibinasura ng NLRC, blacklisted pa sa POEA

By Den Macaranas March 23, 2019 - 10:19 AM

File photo

Tuluyan nang ibinasura ng National Labor Relations Commision (NLRC) ang inihaing reklamo ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) laban sa isang local placement agency.

Ayon sa desisyon na inilabas ng NLRC, walang basehan ang reklamong inihain ng OFW na si Glenn Clemente noong 2017 laban sa Rensol Recruitment and Consulting, Inc.

Si Clemente ay naunang inalis sa kanyang trabaho sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) ng kumpanyang Anel Emirates General Contracting, LLC.

Ang nasabing OFW ay nasangkot sa isang gulo na kinabibilangan ng physical assault at pagmumura na paglabag sa kanyang nilagdaang kontrata kaya siya sinibak sa pwesto.

Makalipas ito ay nagsampa si Clemente ng reklamo sa Philippine Overseas Labor Office (Polo) sa Abu Dhabi.

Nagkasundo si Clemente at ang Anel Anel Emirates General Contracting, LLC. kung saan ay binigyan siya ng nasabing kumpanya ng kabayarang 2,971 AED o katumbas ng P42,600 maliban pa sa libreng plane ticket pauwi sa Pilipinas.

Pero pagdating sa Pilipinas ay pilit pa ring nanghingi ng pera si Clemente sa Rensol Recruitment and Consulting, Inc. ng P200,000 na dagdag kabayayaran makaraan siyang mawalan ng trabago sa ibang bansa dahil sa kasong kanyang kinasasangkutan.

Hindi pumayag sa hirit ng OFW ang pangulo at managing director ng kumpanya na si Arnold Mamaclay kaya napilitan si Clemente na magsampa ng reklamo sa NLRC.

Makaraan ang mahigit sa isang taon na pagdinig at apela ay ibinasura ng NLRC ang reklamong isinampa ng OFW dahil sa “lack of merit”.

Binanggit rin sa desisyon ng NLRC na wala sanang problema si Clemente kung nagging mahinahon lamang ito sa pakikitungo sa kanyang mga kasamahan sa trabaho sa Abu Dhabi.

Napag-alaman rin na libre at walang binayarang placement fee ang nasabing OFW sa kanyang pagpunta sa ibang bansa.

Dahil sa nasabing kaso ay kabilang na rin si Clemente sa mga blacklisted OFW ng Philippine Overseas Employment Administration.

Sa kanyang panig sinabi naman ni Mamaclay na dapat ay maging maging wake-up call sa mga manggagawa sa abroad ang nangyari kay Clemente na maging maayos ang pakikisama sa mga katrabaho.

Hindi rin dapat maging gatasan ng mga manggagawa ang mga placement agency na tumutulong ng legal sa pagbibigay ng trabaho sa mga OFW ayon pa kay mamaclay.

TAGS: Abu Dhabi, anel emirates general contracting, arnold mamaclay, BUsiness, nlrc, rensol, Abu Dhabi, anel emirates general contracting, arnold mamaclay, BUsiness, nlrc, rensol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.