Inihayag ng Manila Water Co. na umabot na sa 96 percent ang kanilang mga customers sa east concession zone ang naibalik na ang serbisyo ng tubig.
Sa kanilang advisory, sinabi ng Manila Water Co. na naibalik nila ng mas mabilis ang serbisyo ng tubig kumpara sa nauna nilang projection.
Kasabay nito ay ang muli nilang paghingi ng paumanhin sa publiko na ayon sa kumpanya ay nangyari dahil sa mataas na demand ng tubig na nasabay naman sa kakapusan ng suplay nito.
“Manila Water has significantly improved water services when it began adopting a rotational water supply scheme for all its customer on March 14 allowing the 28 reservoirs to recover and refill,” ayon pa sa kanilang advisory na ibinigay sa media.
Inamin rin ng Manila Water na may mga lugar pa rin ang kinakailangan nilang bigyan ng tubig sa pamamagitan ng kanilang mga tankers.
Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:
Raja Sumakwel sa Upper Bicutan in Taguig
Kawilihan at bahagi ng Bagong Ilog, Pasig City.
Brgy. Hulo sa Mandaluyong City.
Bahagi ng Kasiglahan Village sa San Jose at San Isidro sa Rodriguez, Rizal kasama ang ilang bahagi ng bayan ng san Mateo at Quezon City.