Mas pinaigting na Brigada Eskwela ipatutupad sa Mayo
Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang petsa ng pagsasagawa ng Brigada Eskwela at paglulunsad ng Oplan Balik Eskwela (OBE) para sa darating na school year 2019-2020.
Ito ay upang masiguro na magiging maayos ang pagbubukas ng klase sa Hunyo.
Nakatakdang isagawa ang Brigada Eskwela o ang taunang school maintenance activity sa May 20 hanggang 25.
Nais ni Education Secretary Leonor Briones na mas palakasin ang Brigada Eskwela sa pamamagitan ng partisipasyon ng lahat ng education stakeholders.
Bukod sa nakagawiang paglilinis sa mga paaralan, may learning sessions din na isasagawa na may kaugnayan sa public safety, sanitation and proper hygiene, bullying, anti-illegal drig campaign at iba pa.
Ang Brigada Eskwela ngayong taon ay may temang “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan”.
Ang Oplan Balik Eskwela naman ay tatakbo mula May 27 hanggang June 7.
Layon ng OBE na itaguyod ang pagkakaisa ng lahat ng ahensya, organisasyon at stakeholders para sa pagbubukas ng klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.