Imbestigasyon ng Kamara sa water crisis tatapusin na
Nais ni House Speaker Gloria Arroyo na tapusin na ng Kamara ang ginagawang mga pagdinig kaugnay ng water crisis sa Metro Manila.
Sa ambush interview kay Arroyo sa isang convention araw ng Biyernes, sinabi nito na sapat na ang naging mga pagdinig ng Mababang Kapulungan.
Ayon kay Arroyo, narinig na ng mga Kongresista ang dapat nilang malaman at iprinesenta na ng Manila Water ang kanilang mga solusyon para tugunan ang problema.
“I think that’s it. I’m going to ask the Congress to terminate already the hearings because they’ve already heard what they have to hear for the immediate term,” ani Arroyo.
Kabilang dito ay ang pagbubukas ng cross border flow na nagbigay daan para magbigay ng suplay ang Maynilad sa Manila Water kung saan personal na tinunghayan ng House Speaker ang pagbubukas ng isang valve noong nakaraang linggo.
Tiniyak din ni Arroyo na iinspeksyunin niya ang iba pang solusyon ng Manila Water tulad ng deployment ng stationary tanks sa Addition Hills sa Mandaluyong, pagbubukas ng mga deep well sa Blue Ridge at maging ang Cardona Water Treatment Plant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.