PDEA: Nasamsam na droga sa loob lang ng 1 linggo, halos P3B na

By Len Montaño March 23, 2019 - 05:10 AM

PDEA photo

Umabot na sa halos P3 bilyon ang halaga ng droga na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, dahil walang death penalty sa Pilipinas ay malakas ang loob ng mga dayuhan na magpuslit ng droga sa bansa.

Isinusulong ng ahensya ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa kasong droga partikular sa drug trafficking, drug smuggling at drug manufacturing.

Pahayag ito ni Aquino kasunod ng pinakahuling pagkumpiska sa P1.8 bilyong halaga ng shabu sa Manila International Container Port (MICP).

Dahil dito anya ay halos P3 bilyon na ang halaga ng shabu na nasabat ng PDEA at ibang law enforcement agencies sa loob lamang ng isang linggo.

Kahit walang death penalty ay pina-igting ng PDEA ang koordinasyon sa ibang bansa para masawata ang pagpasok ng droga sa bansa.

Sa pakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Vietnam ay nasamsam ang droga sa MICP na umabot sa 276 kilos.

TAGS: 1 linggo, Death Penalty, Droga, drug manufacturing, drug smuggling, Drug trafficking, halos P3B, MICP, nasamsam, P1.8B, parusang kamatayan, PDEA, PDEA director general Aaron Aquino, shabu, Vietnam, 1 linggo, Death Penalty, Droga, drug manufacturing, drug smuggling, Drug trafficking, halos P3B, MICP, nasamsam, P1.8B, parusang kamatayan, PDEA, PDEA director general Aaron Aquino, shabu, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.