Arroyo: Hosting ng Pilipinas sa SEA Games tuloy sa kabila ng isyu sa 2019 budget

By Rhommel Balasbas March 23, 2019 - 02:30 AM

Tuloy ang hosting ng bansa sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games kahit hindi pa nagkakasundo ang Kamara at Senado sa 2019 national budget ayon kay House Speaker Gloria Arroyo.

Sa panayam kay Arroyo sa isang convention araw ng Biyernes, sinabi nito na maaari namang gumamit ng savings ang gobyerno para pondohan ang SEA Games.

Iginiit din ng opisyal na nabawasan ang pondo para sa naturang regional games pero hindi ang Kamara ang may kagagawan nito.

Paliwanag naman ni House Deputy Speaker Prospero Pichay na miyembro rin ng Philippine Olympic Committee executive council, may limitasyon lamang sa paggamit ng savings.

Halimbawa anya, ang savings ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay hindi naman maaaring gastusin para sa sports dahil hindi ito papayagan ng Commission on Audit (COA).

Sinabi rin ni Pichay na noong una ay P7 bilyon ang pondo para sa SEA Games na iniatang sa Department of Foreign Affairs (DFA) noong si Alan Peter Cayetano pa ang kalihim nito.

Gayunman, binawasan umano ng bicameral conference committee ang budget sa P5 bilyon at ang alokasyon ay ibinigay sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ani Pichay, dahil sa budget impasse, walang pera na nagagastos ngayon para sa SEA Games.

Samantala, sa isang pahayag sinabi naman ng Department of Budget and Management na popondohan ang SEA Games sa kabila ng isyu sa pambansang budget.

Ang konstruksyon ng sports facilities ay patuloy umanong umaarangkada sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).

Ang non-infrastructure requirements naman ay popondohan umano ng National Sports Development Fund.

Ang main events para sa SEA Games ay magaganap sa New Clark City sa Tarlac.

TAGS: 2019 Southeast Asian Games, Bicam, COA, Department of Budget and Management, DPWH, hosting, House Deputy Speaker Prospero Pichay, House Speaker Gloria Arroyo, National Sports Development Fund, New Clark City, Philippine Olympic Committee, philippine sports commission, PPP, savings, sea games, 2019 Southeast Asian Games, Bicam, COA, Department of Budget and Management, DPWH, hosting, House Deputy Speaker Prospero Pichay, House Speaker Gloria Arroyo, National Sports Development Fund, New Clark City, Philippine Olympic Committee, philippine sports commission, PPP, savings, sea games

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.