Duterte sa PNPA 2019 graduates: Huwag magpaloko sa kapangyarihan at kasikatan
Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) na panindigan ang kanilang mga prinsipyo sa pagsabak nila bilang mga bagong miyembro ng informed personnel.
Sa kanyang talumpati sa 40th PNPA commencement exercises sa Silang, Cavite araw ng Biyernes, sinabihan ng Pangulo ang PNPA Sansiklab Class of 2019 na dalhin nila sa serbisyo ang kanilang integridad at katapatan gayundin ang pagiging makabayan at maawain na nakuha nila mula sa academy.
Hinamon pa ng Pangulo ang mga graduates na maging pinakamagandang bersyon ng kanilang mga sarili.
“Excel in your chosen pursuits, lend your abilities to all our communities, and stand by your principles at all costs. Never be deceived by power nor by fame. What is important is … your honor, for it is your badge towards genuine success,” ani Duterte.
Hinimok ng Pangulo ang mga PNPA graduates na suportahan at maging bahagi ng kampanya ng administrasyon laban sa droga, terorismo at kurapsyon.
Tiniyak naman ni Duterte ang patuloy na suporta ng gobyerno sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pamamagitan ng mga programa na magsusulong ng kanilang kapakanan gayundin ng kanilang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.