Pari sugatan matapos saksakin habang nagmimisa sa Canada

By Rhommel Balasbas March 23, 2019 - 02:02 AM

Courtesy of Sose Smith / Shutterstock via CNA

Sugatan ang isang paring Katoliko matapos itong saksakin habang nagmimisa sa Montreal Canada.

Ang biktima ay si Fr. Claude Grou, rektor ng St. Joseph’ Oratory.

Nagmimisa lamang siya ganap na alas-8:40 ng umaga sa Canada at gabi sa kaparehong oras sa Pilipinas nang maganap ang pananaksak.

Ayon sa ulat, galing ang suspek sa likuran ng rectory at bigla na lamang sinaksak sa dibdib ang pari.

Nakuhaan ng video ang krimen kung saan makikitang sinubukan pang makatakbo ng pari.

Ang St. Joseph’s Oratory ay ang pinakamalaking simbahan sa Canada kung saan ang mga misa kada araw ay naibo-broadcast ng live.

Patuloy namang ginagamot si Grou na ayon sa mga awtoridad ay maswerteng hindi nagtamo ng malalang sugat.

Mariing kinondena ni Montreal Mayor Valerie Plante ang pag-atake na anya’y walang puwang sa kanilang lugar.

TAGS: canada, dibdib, Fr. Claude Grou, Montreal, Montreal Mayor Valerie Plante, nagmimisa, pari, rectory, rektor, saksakin, St. Joseph’ Oratory, canada, dibdib, Fr. Claude Grou, Montreal, Montreal Mayor Valerie Plante, nagmimisa, pari, rectory, rektor, saksakin, St. Joseph’ Oratory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.