Ikapitong sunod na oil price hike nakaamba sa susunod na linggo

Sasalubong na naman sa mga motorista ang panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng Jetti Petroleum, nasa P0.10 hanggang P0.15 kada litro ang itataas ng presyo ng diesel.

Ang gasolina naman ay tataas ng P0.70 hanggang P0.75 kada litro.

Ang estimates ay batay sa trading sa world market hanggang araw ng Huwebes.

Ito na ang ikapitong sunod na linggong oil price hike.

Kadalasang ipinatutupad ang oil price adjustments tuwing araw ng Martes.

Read more...