2 dayuhan na tumalon sa hotel sa Makati, magkapatid na Korean

(UPDATE) Magkapatid na Korean ang dalawang dayuhan na sinasabing tumalon mula sa isang botel sa Kalayaan Avenue, Makati City Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Sr. Supt. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police ang mga biktima na sina Kim Sangjin at Kim Sangjun base sa nakuhang mga pasaporte mula sa kanilang mga gamit.

Dakong 5:50 ng umaga ay nagpapatrulya ang mga pulis nang makarinig sila ng malakas na pagbagsak malapit sa I’M Hotel.

Nakitang nakabulagta at kapwa wala ng buhay ang mga dayuhan.

Ayon sa pulisya, posibleng tumalon mula sa gusali ang magkapatid dahil walang senyales ng foul play sa insidente.

Read more...