2 sugatan sa sunog sa warehouse sa Caloocan

By Len Montaño March 23, 2019 - 12:23 AM

Credit: Paolo Paredes

Dalawang katao ang naiulat na nasugatan sa sunog sa isang warehouse sa Sta. Quiteria, Caloocan City Biyernes ng gabi.

Agad na nilapatan ng paunang lunas ang mga biktima at dinala sa ospital.

Ayon sa otoridad, tinatayang nasa P17.5 milyon ang halaga ng naabong mga ari-arian.

Alas 7:51 ng gabi ay nagtaas ng second alarm at dakong 8:35 ng gabi ay umabot na sa ika-limang alarma ang sunog.

Bago mag alas 11:00 ng gabi ay fire under control na ang sunog at alas 12:05 kanina ay nagdeklara na ng fire out.

Iniimbestigahan ang dahilan ng sunog sa naturang warehouse.

Sa Facebook video ni Willie Tiongson, mapapanood ang naglalagablab na apoy.

Ginawa naman ng mga rumespondeng bumbero ang lahat para agad na maapula ang sunog.

TAGS: 2 sugatan, caloocan, Fire out, fire under control, naapula, P17.5 milyon, sunog, warehouse, 2 sugatan, caloocan, Fire out, fire under control, naapula, P17.5 milyon, sunog, warehouse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.