Batay sa survey, 25 percent ng mga respondents ang pinili ang “will not be corrupt” sa mga ugali na kanilang hinahanap sa isang kandidato sa pagka-Senador.
Pangalawa ang kandidato na may malasakit sa mahihirap (22 percent) at sunod ang good personal characteristics (21 percent) at trustworthy (21 percent).
Ang iba pang kalidad na hanap ng mga botante ay ang kandidato na tumutulong sa nangangailangan, tinutupad ang pangako, may solusyon sa mga problema ng bansa, madaling lapitan, may magandang leadership qualities, marunong makinig sa ibang tao, may paniniwala sa Diyos, may political will at matalino o nakapag-aral.
Ayon kay Dindo Manhit, lead convenor ng Democracy Watch at president ng Stratbase ADR Institute, responsibilidad ng botante na suriin ang kredibilidad, galing at integridad ng kandidato.
Masusukat anya ito sa pamamagitan ng pagsuri sa edukasyon, karanasan, record at adbokasiya o plataporma ng kandidato.