SWS: Mga botanteng Pinoy, hanap ang hindi ‘corrupt’ na kandidato

By Len Montaño March 22, 2019 - 11:39 PM

Lumabas sa Social Weather Stations (SWS) survey na commissioned ng private think tank Stratbase ADR Institute na ang pangunahing hinahanap ng mga botanteng Pinoy sa isang kandidato ay hindi ito corrupt.

Batay sa survey, 25 percent ng mga respondents ang pinili ang “will not be corrupt” sa mga ugali na kanilang hinahanap sa isang kandidato sa pagka-Senador.

Pangalawa ang kandidato na may malasakit sa mahihirap (22 percent) at sunod ang good personal characteristics (21 percent) at trustworthy (21 percent).

Ang iba pang kalidad na hanap ng mga botante ay ang kandidato na tumutulong sa nangangailangan, tinutupad ang pangako, may solusyon sa mga problema ng bansa, madaling lapitan, may magandang leadership qualities, marunong makinig sa ibang tao, may paniniwala sa Diyos, may political will at matalino o nakapag-aral.

Ayon kay Dindo Manhit, lead convenor ng Democracy Watch at president ng Stratbase ADR Institute, responsibilidad ng botante na suriin ang kredibilidad, galing at integridad ng kandidato.

Masusukat anya ito sa pamamagitan ng pagsuri sa edukasyon, karanasan, record at adbokasiya o plataporma ng kandidato.

TAGS: “will not be corrupt”, botanteng Pinoy, kandidato, private think tank, senador, Stratbase ADR Institute, SWS, “will not be corrupt”, botanteng Pinoy, kandidato, private think tank, senador, Stratbase ADR Institute, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.