Lalaki nakuhanan ng mga bala at baril sa Palawan

By Len Montaño March 22, 2019 - 11:14 PM

Palawan Provincial Police Office photo

Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng mga baril at bala sa pagsisilbi ng search warrant sa kanyang bahay sa Barangay Punta Baja sa Rizal, Palawan.

Nasamsam sa bahay ni Lemuel Montano Demonteverde ang isang 12-gauge shotgun, 9mm na baril at mga bala para sa shotgun at 9mm.

Ayon sa otoridad, nakatago ang mga baril at bala sa isang hukay sa lupa na tinakpan ng lumang yero sa likuran ng babuyan ng suspek.

Nabatid na napagsabihan na dati si Demonteverde sa Oplan Katok at sinabi umano nito na ibinenta na niya ang mga baril pero wala itong naipakitang dokumento ng pagbenta.

Nasa pag-iingat na ng pulisya ang mga baril at bala na mga paso na ang lisensya.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

TAGS: arestado, bala, baril, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, nakuhanan, Palawan, paso ang lisensya, search warrant, arestado, bala, baril, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, nakuhanan, Palawan, paso ang lisensya, search warrant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.