Pambato ng Pilipinas, bigong masungkit ang Mr. International title

ARMIN ADINA / INQUIRER LIBRE
ARMIN ADINA / INQUIRER LIBRE

Ang pambato ng Switzerland na si Pedro Mendes ang nakapag-uwi ng titulong Mr. International 2015.

Ang kompetisyon ay ginanap kagabi sa New Performing Arts Theater sa Resorts World Manila Pasay City.

Tinalo ni Mendes ang 35 pang kinatawan ng iba’t ibang bansa.

Ang tinaguriang ‘hot cop’ ng Pilipinas na si Neil Perez ang nagsalin ng titulo kay Mendes. Si Perez ang nanalo bilang Mr. International 2014 edition na ginanap sa South Korea.

Pumangalawa naman sa kompetisyon ang crowd favorite na si Anderson Tomazini ng Brazil, habang ikatlong pwesto ang nakuha ni Sang-Jin Lee ng Korea.

Nakuha naman ng pambato ng Panama na si Julian Torres ang ika-apat na pwesto at panglima si Jakub Kraus ng Czech Republic.

Ang pambato naman ng Pilipinas na si Reniel Villareal ay nakapasok sa Top 10 at nakuha ang Best in National Costume award.

 

Read more...