Steel detailing company sa Pasig City inereklamo ng BIR sa DOJ dahil sa hindi pagbabayad ng buwis

By Ricky Brozas March 22, 2019 - 06:49 PM

Kabuuang 27 counts ng mga reklamong tax evasion ang inihain ng BIR sa DOJ laban sa isang steel detailing company mula sa Ortigas Center, Pasig City.

Tinukoy ng BIR ang respondent na Steel Pencil Philippines na nasa negosyo ng design, feasibility studies, steel detailing, lifting studies at concrete and piping.

Labing-pitong counts ng Willful Attempt to Evade or Defeat Payment of Withholding Tax On Compensation mula Enero 2015 hanggang Marso 2018 at 10 counts ng Willful Attempt to Evade or Defeat Payment of Expanded Withholding Tax mula Mayo 2016 hanggang Marso 2018 ang isinampa ng BIR laban sa Steel Pencils.

Kasama sa kinasuhan ang Managing Director ng kumpanya na si Reegan Lawton.

Ayon sa BIR, umabot sa mahigit 10 milyong piso ang utang sa buwis ng kumpanya mula Enero 2015 hanggang Marso 2018.

TAGS: BIR, DOJ, hindi pagbabayad ng buwis, Pasig City inereklamo, Steel detailing company, BIR, DOJ, hindi pagbabayad ng buwis, Pasig City inereklamo, Steel detailing company

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.