Hepe ng Tayabas Police at 2 pang Pulis-Quezon na iniuugnay sa pagkamatay ng anak ng ni Sariaya Mayor Gayeta at 1 pa, hawak na ng otoridad

Nasa kamay na ng Calabarzon Police ang sinibak na hepe ng Tayabas City Police at dalawa pang Pulis-Quezon na iniuugnay sa umano’y scripted na police operation na ikinamatay ng anak ng mayor ng Sariaya, Quezon at isa pa noong Marso 14.

Sumuko si Lt. Col. Mark Laygo at dalawang iba pang sa Regional Special Operations Group alas-10 ng umaga ng Biyernes sa Camp Vicente Lim sa Calamba City, Laguna.

Dadalhin ang tatlong sumuko sa Quezon Police headquarters sa Camp General Nakar sa Lucena City.

Matatandaang, una nang nagbigay ng pahayag ang tatlong sumukong pulis-Tayabas sa National Bureau of Investigation (NBI) Quezon at inamin nila na scripted lamang ang nangyaring engkwentro na ikinasawi nina Christopher Manalo at Christian Gayeta, anak ni Sariaya, Quezon mayor Marcelo Gayeta.

Read more...