Cristine Reyes, in good terms sa mister na si Ali Khatibi sa gitna ng hiwalayan issue

By Jimmy Tamayo March 22, 2019 - 06:05 PM

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang kumalat ang balitang hiwalay na siya sa kanyang asawa,nagsalita na si Cristine Reyes sa isyu.

Sinabi ni Cristine na “civil” naman sila sa isa’t isa ng dating mister na si Ali Khatibi.

Walang direktang pag-amin sa hiwalayan pero iginiit ng kapamilya star na “in good terms” sila ng dating asawa lalo na kapag patungkol sa kanilang anak na si Amarah.

Kasabay nito ay nagpahayag si Cristine na kung talagang hindi na masaya sa pagsasama hindi kailangang magtiis at dapat aniya ay gumawa ng hakbang.

Aminado naman ang aktres na pagod na siya sa mga sexy roles kaya tinanggap niya ang pelikulang “Maria” na isang action movie.

Ang pelikulang “Maria” ay nakatakdang ilabas sa mga sinehan sa March 27.

TAGS: “in good terms”, Ali Khatibi, Cristine Reyes, hiwalayan issue, “in good terms”, Ali Khatibi, Cristine Reyes, hiwalayan issue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.