LandBank magsasagawa ng system upgrade

By Clarize Austria March 22, 2019 - 05:55 PM

Magsasagawa ng system upgrade ang pamunuan ng Land Bank of the Philippines simula gabi ng Biyernes, March 22.

Maaantala muna ang serbisyo ng kanilang mga ATM at ibang electronic banking channels mula alas-11:30 ngayong gabi hanggang alas-2:30 ng umaga ng Sabado, March 23.

Pinaalalahanan rin ng bangko na huwag munang magsagawa ng anumang transaksyon sa mga nabanggit na oras upang maiwasan ang aberya o discrepancies sa kanilang mga account.

Bahagi ang system upgrade na ito sa pagpapabuti ng LandBank sa kanilang serbisyo para sa mga customers nito.

TAGS: Landbank, March 22 - 23, system upgrade, Landbank, March 22 - 23, system upgrade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.