House speaker GMA at Manila Water, nagtungo sa Mandaluyong para aksyunan ang kawalan ng tubig sa lugar

By Jong Manlapaz March 22, 2019 - 05:36 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Pinasalamatan ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal – Arroyo, ang Manila Water sa agaran nitong aksyon para mabigyan ng suplay ng tubig ang mga taga-Mandaluyong partikular na ng mga taga-barangay Addition Hills.

Ayon kay Arroyo, temporary tanker ng tubig ang planong ipapadala ng Manila Water sa mga taga-Addition Hills pero temporary pipe na direkta sa mga bahay ang kanilang inilagay.

Tiniyak naman ni Ferdinand dela Cruz, Presidente ng Manila Water na target nila na 99 percent na maibalik ang suplay ng tubig sa Mandaluyong sa pamamagitan ng rotation sa pagitan ng 8 oras hanggang 12 oras.

Dagdag naman ni Arroyo na mas maraming magagawa kung nagtutulungan kaysa nagsisihan.

TAGS: Addition Hills, aksyunan ang kawalan ng tubig sa lugar, House speaker GMA, Mandaluyong, manila water, Addition Hills, aksyunan ang kawalan ng tubig sa lugar, House speaker GMA, Mandaluyong, manila water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.