Bata sugatan sa sunog sa Valenzuela

Sugatan ang isang pitong taong gulang na batang lalaki sa sunog na naganap sa Valenzuela City.

Ayon kay Fire Officer 1 Melody Candido ng Valenzuela City Fire Department, nagtamo ng first degree burns ang bata.

Aabot sa 40 bahay ang nasunog sa bahagi ng Sitio Libis General T. de Leon na magsimula alas 10:20 ng umaga.

Umabot sa 5th alarm ang sunog at naideklarang fire out pasado alas 12:00 ng umaga.

Read more...