Pagbili ni Sandra Cam ng isla sa Masbate, pinaiimbestigahan sa Office of the Ombudsman

By Jong Manlapaz March 22, 2019 - 12:58 PM

Humingi ng tulong ang isang Lino Lim sa Office of the Ombudsman, para alamin kung paano nakabili ng isla sa Masbate si PCSO Board Member Sandra Cam.

Sa pamamagitan ni Atty. Israelito Torreon, abogado ni Lim, naghain ito ng request for assistance sa Ombudsman para kalkalin ang yaman ni Cam.

Sinabi ni Torreon na sa loob umano ng mahigit isang taon nang makapasok sa PCSO si Cam, nakabili na ito at ang kanyang mga pamilya ng mga ari-arian na aabot sa P500 million ang halaga.

Umaasa naman ang kampo ni Lim na makakasuhan ito sa Ombudsman ng kasong graft.

TAGS: graft, ombudsman, Radyo Inquirer, sandra cam, graft, ombudsman, Radyo Inquirer, sandra cam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.