Ayon kay Melai Paraiso, Pasig Area Business Manager ng Manila Water, may mga lugar sa Pasig na 12 oras na may tubig at 12 oras ang mawawalan ng tubig.
Habang nasa 1,000 household naman sa Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan at 100 na bahay sa Kawilihan, Brgy. Bagong Ilog ang pahirapan pa rin ng suplay ng tubig dahil sa mataas ang lugar.
Sinabi naman ni Richie Angeles ang DRRMO chief ng Pasig, may sapat na suplay na tubig na rin ang mga mataas na building sa Pasig gaya ng condominium.
Nabawasan na rin ng 50 percent ang pagrarasyon nila ng tubig sa pamamagitan ng tanker ng LGU.
Umapela naman ang Manila Water at Pasig City sa mga constituent nito na magtipid ng tubig.