PAL may system upgrade mula bukas; mga pasahero inabisuhang magtungo ng mas maaga sa paliparan

By Dona Dominguez-Cargullo March 22, 2019 - 12:45 PM

Magsasagawa ng system upgrade ang Philippine Airlines bukas March 23 hanggang sa Linggo, march 24.

Sa abiso ng PAL, pinayuhan nito ang mga pasahero na magtungo ng mas maaga sa paliparan o apat na oras bago ang kanilang check-in.

Pinayuhan din ang mga pasahero na dalhin ang printed na kopya ng kanilang tickets dahil iu-upgrade ang IT system ng PAL.

Sa kasagsagan ng upgrade, sinabi ng PAL na magiging limitado ang access sa ilang IT service nila.

Kabilang dito ang online check-in, ticket purchases/bookings at ang pagbili ng travel extras at redemption ng mileage privileges.

Kung magsasagawa ng online purchase mas mabuti ayon sa PAL na gawin na ito ngayong araw.

TAGS: NAIA, PAL ADvisory, Radyo Inquirer, system upgrade, NAIA, PAL ADvisory, Radyo Inquirer, system upgrade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.