Pangulong Duterte nagpalabas ng EO na nagbabawal sa travel junkets at team buildings abroad ng mga empleyado ng gobyerno

By Dona Dominguez-Cargullo March 22, 2019 - 12:36 PM

Ginawa nang pormal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng ban sa travel junkets at team buildings abroad ng mga empleyado ng gobyerno.

Sa nilagdaang EO 77 ni Pangulong Duterte nagpalabas ng rules and regulations at rates and allowances ang Malakanyang para sa mga official local at foreign trips.

Effective immediately ang kautusan at sakop nito ang lahat ng empleyado ng national government agencies, kabilang ang mga state universities and colleges, GOCCs, government financing institutions, Kongreso, hudikatura, constitutional commissions, Office of the Ombudsman at LGUs.

Nakasaad sa EO na mahigpit nang ipagbabawalang lahat ng uri ng travel junkets.

Ang pagsasagawa ng strategic planning workshops at team building sa ibang bansa ay mahigpit ding ipagbabawal.

Hindi rin dapat maghahain ng leave of absence ang isang empleyado pagkatapos ng kaniyang official activity.

Magugunitang paulit-ulit na inihahayag ng pangulo ang pagkadismaya niya sa magagastos na biyahe ng mga empleyado at opisyal ng gobyerno.

TAGS: ban on travel junkets, Executive Order, government employees, team buildings, ban on travel junkets, Executive Order, government employees, team buildings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.