PAGASA opisyal nang idineklara ang dry season
Inanunsyo na ng PAGASA ang pag-terminate sa Northeast Monsoon o hanging amihan.
Dahil dito, ayon sa PAGASA, opisyal nang nagsisimula ang dry season sa bansa.
Ayon sa PAGASA ang High Pressure Area na ang umiiral ngayon sa bansa.
Sa kabila nito, sinabi ng weather bureau na maari pa rin namang makaranas ng northeasterly wind flow ang extreme Northern Luzon.
Asahan na rin ang mas maainit at maalinsangang panahon sa bansa sa susunod na mga araw.
Ang nararanasan namang weak El Niño sa bansa ay maaring makapagbahaba ng dry spell at mainit na temperatura sa mga susunod na buwan.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa epekto ng mainit na panahon at maging matipid sa paggamit ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.