US Marine Corporal Joseph Pemberton, hahatulan ng korte ngayong araw

By Erwin Aguilon December 01, 2015 - 07:40 AM

PembertonNakatakda ngayong araw ang pagbaba ng hatol ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Itinakda ni Olongapo City RTC Branch 74 Judge Roline Ginez-Jabalde ang pagbaba ng hatol kay Pemberton ala 1:00 ng hapon.

Ito ay kaugnay sa kasong murder na kinakaharap ni Pemberton dahil sa pagpatay sa Jeffrey ‘Jennifer’ Laude.

Pemberton
Kuha ni Erwin Aguilon

Noong October taong 2014 nang natagpuang patay si Laude sa comfort room ng Cellzone Lodge sa Olongapo City matapos itong magcheck-in kasama ang sundalong amerikano.

Sa kanyang pagtestigo, inamin ni Pemberton na sinakal niya si Laude matapos silang magkaroon ng pagtatalo nang matuklasang lalaki pala ang katalik.

Gayunman, itinanggi ng kano na siya ang pumatay dito dahil ayon sa kanya humihinga pa ni Laude ng ito ay iniwan niya sa CR ng motel.

Dahil sa gagawang pagbaba ng hatol kay Pemberton, mahigpit na ang seguridad na ipinatutupad sa paligid ng Olongapo City hall of justice.

Maaga ding isinara ang ilang mga kalye sa paligid ng gusali dahil sa inaasahang mga kilos protesta na isasagawa.

TAGS: jeffrey laude, Joseph Scott Pemberton, jeffrey laude, Joseph Scott Pemberton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.