9 arestado sa ilegal na pagbebenta ng LTE modems
Arestado ang siyam na katao dahil sa illegal na pagbebenta ng LTE broadband modems sa Quezon City.
Kinilala ang Southern Police District (SPD), ang mga nadakip na suspek na sina Jeffrey Abalos, 22; John Reymart Abalos, 25; Jericho Abalos, 21; Jonathan Abalos, 21; Richard Solomon, 20; Patrick Calangian, 26; Marlon Abalos, 39; Elpedia Abalos, 44; at Dionisio Abalos, 52.
Nadakip ang siyam sa ikinasang follow-up operation ng Makati City police sa isang bahay sa Barangay San Roque sa Quezon City.
Nasabat sa kanila ang 768 na unit ng Globe LTE modems na nagkakahalaga ng P668,600.
Ayon sa mga otoridad, nasukol nila ang mga suspek matapos mapaamin ang isang Norman Tagalan na naunang nadakip ng security investigator ng Globe Telecom.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act No. 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.