Sa kaniyang post sa instagram, ibinahagi ni BB ang kaniyang larawan habang suot ang hospital wristband.
Sa caption, sinabi nitong “Say NO to workplace BULLYING”.
Nagpahiwatig din ito ng pagkakaroon ng paglabag sa kaniyang personal boundaries bilang isang transgender at nangyari ito mismo sa lugar kung saan sya nagtatrabaho.
Ang nasabing insidente ay nagresulta aniya ng pagtaas ng kaniyang blood pressure, extreme emotional distress at severe anxiety.
Marami namang kabigan ni BB sa showbiz ang nagpahayag ng suporta sa kaniya.
READ NEXT
Indonesian couple na nasa likod ng Jolo Cathedral bombing patuloy na kinikilala; anak pinaghahanap ng mga otoridad
MOST READ
LATEST STORIES