BB Gandanghari naospital matapos makaranas ng workplace bullying
Naospital si BB Gandanghari makaraang makaranas umano ng pambu-bully sa kaniyang pinagtarabahuhang kumpanya.
Sa kaniyang post sa instagram, ibinahagi ni BB ang kaniyang larawan habang suot ang hospital wristband.
Sa caption, sinabi nitong “Say NO to workplace BULLYING”.
Nagpahiwatig din ito ng pagkakaroon ng paglabag sa kaniyang personal boundaries bilang isang transgender at nangyari ito mismo sa lugar kung saan sya nagtatrabaho.
Ang nasabing insidente ay nagresulta aniya ng pagtaas ng kaniyang blood pressure, extreme emotional distress at severe anxiety.
Marami namang kabigan ni BB sa showbiz ang nagpahayag ng suporta sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.