Indonesian couple na nasa likod ng Jolo Cathedral bombing patuloy na kinikilala; anak pinaghahanap ng mga otoridad

By Dona Dominguez-Cargullo March 22, 2019 - 11:31 AM

PNP-PIO Photo

May lumabas nang larawan ng mag-asawang Indonesian na pinaniniwalaang nasa likod ng pambobomba sa Cathedral sa Jolo, Sulu.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni national security expert Prof. Rommel Banlaoi, pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang anak ng mag-asawang Indonesian.

Kukuhanan aniya ng DNA testing ang anak sakaling mahanap para makumpirma na nang tuluyan ang kanilang pagkakakilanlan.

Sinabi ni Banlaoi na galing sa intelligence community ang larawan at nakatakda din itong ilabas ng mga otoridad.

Ang mag-asawang Indonesian aniya ay nagtungo sa Mindanao base sa utos ng ISIS para ilunsad ang pagpapasabog.

Sa ngayon, ani Banlaoi, nananatiling mataas ang banta ng terorismo sa bansa dahilan kaya pinaigting din ng husto ang opensiba ng militar laban sa mga terorista.

TAGS: Indonesian Couple, jolo bombing, Radyo Inquirer, terror attacks, Indonesian Couple, jolo bombing, Radyo Inquirer, terror attacks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.