Nagpakilalang supporter ng PDP-Laban, nahulihan ng baril sa campaign rally ng HNP sa Cebu

Kinilala ni Mandaue City Police Office Chief, Senior Superintendent Julian Entoma ang suspek na tinatayang nasa 30-anyos na si Nelson Lim na residente ng Talisay City, Cebu.
Ayon kay Entoma, papasok sana si Lim sa venue kung saan naroroon ang mga senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang isang kalibre .45 na baril at pitong bala.
Tinanong si Lim kung may papeles sa kanyang bari pero wala naman itong maipakita.
Dagdag pa ni Entoma nagpakilala ang suspek na taga-suporta ng partido ng administrasyon.
Nahaharap ang suspek sa kasong pagdadala ng baril na walang lisensya at paglabag sa election gun ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.