200 residente lumikas dahil sa bakbakan ng NPA at militar sa Negros
Umabot sa 200 mga residente ang lumikas mula sa kani-kanilang tahanan dahil sa nagpapatuloy na clearing at hot pursuit operations ng militar sa Negros.
Ito ay kasunod ng engkwentro na naganap kamakailan sa pagitan ng mga tauhan ng NPA at ng mga sundalo sa Escalante City.
Ayon kay 303rd Infantry Brigade commander B/Gen. Benedict Arevalo, hindi bababa sa 200 residente ang nananatili sa mga evacuation centers.
Noong Huwebes huling nakasagupa ng mga sundalo ang 10 NPA members na agad ding nagsiatrasan.
Sa ngayon, hindi muna pinapayagan ng militar na bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente hangga’t hindi natitiyak na wala nang banta ng kaguluhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.